Lungsod ng Taguig, may 182 na bagong kaso ng COVID-19

20

Nakapagtala ng 182 na mga bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 ngayong araw ang Taguig City Epidemiology Diseases and Surveillance Unit o CEDSU.

Batay sa datos ng CEDSU, mas marami ang tinamaan ng nasabing sakit, kumpara sa mga gumaling, dahil nasa 82 ang kanilang naitalang new recoveries kahapon.


Dahil dito, tumaas din ang bilang mga active COVID-19 cases sa lungsod kung saan umabot na ito ngayong araw sa 243, kumpara noong linggo na nasa 143 lang.

Nananatili naman sa 185 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa lungsod na dulot ng virus.

Sa kabuuang bilang, ang lungsod ng Taguig ay meron ng 15,150 na kumpirmadong kaso ng COVID-19, kung saab 14,722 nito ay kabuuang bilang din ng recoveries.

Facebook Comments