Lungsod ng Taguig, may 50 bagong kaso ng COVID-19

Muling nakapagtala ng 50 bagong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ngayong araw.

Dahil dito, umabot na ng 1,628 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa naturang lungsod.

Batay sa ulat ng Health Department ng lungsod, ang mga bagong infected ng virus ay mula sa Barangay Pinagsama na mayroong walo.


May tig-pitong bagong kaso ng COVID-19 naman sa Western Bicutan, Fort Bonifacio at North Daang Hari, lima sa Calzada-Tipas, tatlo sa Palingon-Tipas, at tig-dalawa sa Lower Bicutan, Ususan at South Signal.

Ang Ligid-Tipas, Napindan, Central Bicutan, Maharlika, North Signal, South Daang Hari at Upper Bicutan na mayroon naman tig-isang bagong pasyente ng COVID-19.

Sa ngayong, mayroon namang 610 na mga pasyente ng COVID-19 ang nakarekober na at 23 naman ang nasawi na dulot ng virus sa lungsod.

Facebook Comments