Nakapagtala ang lungsod ng Taguig ng 25 na bagong pasyente ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Ito ay batay sa tala ng health department ng lungsod pasado alas-9:00 kagabi.
Ang nasabing mga bagong nagpositibo sa COVID-19 ay mula sa Barangay ng Bagumbayan, Calzada, Central Signal, Fort Bonifacio, Hagonoy, Ligid Tipas, New Lower Bicutan, San Miguel, Sta Ana, Tuktukan at Wawa.
Dahil dito, umabot na ng 657 ang kabuuang bilang ng confirmed cases sa Taguig City.
Mula sa nasabing bilang, 21 sa kanila ay mga nasawi at 142 naman ang mga nakarekober na, kaya naman ang COVID-19 active cases sa lungsod ay nasa 494.
Simula January 27, 2020 hanggang kahapon June 21, 2020, merong 3,753 ang kabuuang bilang ng suspected cases sa lungsod.
Ayon sa lokal na pamahalaan ng Taguig, tumaas ang kaso ng COVID-19 sa kanilang lungsod dahil sa nagpapatuloy na Systematic Mass Approach to Responsible Testing (SMART).
Pakiusap naman nila sa mga residente nito na manatili sa loob ng bahay upang maging ligtas laban sa banta ng COVID-19.