Lungsod ng Taguig, muling nakapagtala ng 40 na bagong kaso ng COVID-19

Umakyat na sa 1,729 ang kabuuang bilang ng kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa lungsod ng Taguig.

Ito ay matapos magkarron ng 40 bagong kaso ng COVID-19 ang, lungsod kahapon.

Batay sa tala ng city health department, ang mga bagong kaso ng COVID-19 ay mula sa Barangay Fort Bonifacio na may 13 bagong kaso na infected ng virus kung saan ito na ang pinakamataas nabilang ang naitala kahapon.


Sumunod naman dito ang barangay North Daang Hari na may siyam, tig-apat sa Baranagay Pinagsama at Western Bicutan, tatlo sa Brgy. Ususan, at dalawa sa Brgy. South Signal.

Habang tig isang kaso naman sa mga Barangay ng Bagumbayan, Lower Bicutan, Tuktukan, South Daang Hari at Upper Bicutan.

Mula sa nasabing bilang, 24 dito ay nasawi habang ang 711 naman ay mga naka rekober na mula sa sakit na dulot ng virus.

Facebook Comments