Inihayag ng pamahalaang Lokal ng Taguig na mayroon itong 11 bagong kaso ng Coronavirus Diseases 2019 (COVID-19).
Batay sa kanilang tala, ang nasabing bilang ay galing lamang sa isang barangay nito na Barangay Upper Bicutan, kaya naman mula sa 15 residente rito na infected ng virus, umakyat ito ng 26.
Dahil sa bagong kaso, tumaas ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa lungsod kung saan umabot na ito ng 399.
Mula sa nasabing bilang, 21 rito ay nasawi at 76 naman ang mga nakarekober mula sa sakit na dulot ng virus.
Simula January 27, 2020 hanggang kahapon ng alas-8:45 ng gabi, ang Taguig ay mayroon ng 1,459 na suspect COVID-19 cases.
Tinitiyak naman ng Taguig City government na mapoprotektahan ang komunidad at mga residente laban sa banta ng COVID-19.
Kaya naman patuloy na umiikot ang Barangay Health Emergency Response Teams (BHERT) katuwang ang Taguig City Containment Team para ma-monitor at ma-contain ang mga COVID-19 cases sa lungsod.