Nakapagtala ng karagdagang 21 na kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ang Taguig City sa nakalipas ng 24 oras.
Ang mga bagong pasyente ng COVID-19 sa lungsod ay mula sa Barangay North Signal na may siyam at ito rin ang barangay na may pinanakamaraming kaso na naitala kagabi.
Sinundan ito Brgy. Sta. Ana, Central Signal at Western Bicutan na may tig-3 bagong kaso ng COVID-19.
Habang dalawa sa Brgy. Ususan at isa lang sa barangay Pinagsama.
Dahil dito, muling umakyat sa 2,506 ang kabuuan bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Taguig City.
Tumaas sa 2,029 ang kabuuang bilang ng recoveries ng lungsod matapos itong madagdagan ng 30 kahapon.
Mayroon namang 38 na mga pasyente ng COVID-19 sa lungsod ang mga nasawi nang dahil sa virus.