Isinailalim ang siyudad ng Tagum, Davao del Norte sa state of calamity dahil sa matinding pagbaha.
Nagtuloy-tuloy ang pinsala sa lugar dulot ng ulan at pagbaha simula pa noong Martes bunsod ng malakas na pag-ulan.
Binaha ang anim na barangay sa Tagum City: Pagsabangan, Mankilam, San Miguel, Canocotan, Bincungan, at Busaon.
Sa datos ng Tagum City Disaster Risk Reduction and Management Council, aabot sa 6,643 na pamilya o mahigit 30,000 indibidwal ang apektado ng baha.
Umabot sa mahigit P3 milyon pinsala sa agrikultura at imprastraktura sa siyudad.
Facebook Comments