Lungsod ng Valenzuela, makakaranas ng water interruption ngayong gabi

50

Pinapayuhan ang mga residente ng Valenzuela na mag-imbak ng tubig para ngayong gabi.

Ito ay dahil makararanas ng mahina hanggang sa walang suplay ng tubig ang ilang lugar na sineserbisyuhan ng Maynilad.


Base sa abiso, alas-10 ngayong gabi hanggang alas-4 ng madaling araw bukas ang water interruption.

Kabilang sa maapektuhan ang mga customer sa mga Barangay Bignay, East Canumay, Gen. T. De Leon, Karuhatan, Lawang Bato, Malinta at Marulas.

Ang dahilan nito ay ang network maintenance activity sa kahabaan ng Pio Valenzuela corner MacArthur Brgy. Marulas.

Humingi naman ng paumanhin ang Maynilad sa mga residenteng maapektuhan ng water interruption.



Facebook Comments