Lungsod sa Metro Manila na may naka-granular lockdown pa na lugar, iisa na lamang

Tanging ang Lungsod ng Maynila na lamang sa buong National Capital Region (NCR) ang mayroong granular lockdown dahil sa COVID-19.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Spokesman Jonathan Malaya, bumaba na ang bilang ng mga lugar na inilagay sa granular lockdown dahil sa patuloy na paghupa ng mga kaso ng COVID-19.

Aniya, sa Metro Manila ay 37 na lang ang lugar na nasa ilalim ng granular lockdowns kung saan apektado ang 45 pamilya o katumbas ng 204 indibidwal.


Habang sa kabuuan ay nasa 343 na lamang sa buong bansa ang nasa granular lockdown na mababa na kumpara noong Enero at mga huling linggo ng Disyembre 2021.

Facebook Comments