LUNOD | Chinese national, patay matapos malunod sa Boracay

Boracay – Patay ang isang Chinese national matapos itong malunod sa Boracay.

Nakilala ang biktima na si Mengyu Fan, 32-anyos na residente ng Jiangsu, China at nagbabakasyon lamang sa isla.

Sa imbestigasyon, nagsagawa ng pag-snorkeling si Fan nang unti-unting mapansin ng kanyang mga kaanak na lumulutang ito.


Agad namang sumaklolo ang mga lifeguard ng resort at binigyan ng paunang lunas ang biktima kung saan hindi na ito umabot pa ng buhay pagkarating sa ospital.

Facebook Comments