LUSOT | Dating Trade Minister Roberto Ongpin, inabswelto ng Court of Appeals sa insider trading charges

Manila, Philippines – Inabsuwelto ng Court of Appeals (CA) sa insider trading charges si businessman at dating Trade Minister Roberto V. Ongpin.

May kaugnayan ito sa 174 counts ng insider trading complaint noong si Ongpin ay minor shareholder ng Philex Mining Corp. noong 2009.

Nag-ugat ang reklamo ng Securities and Exchange Commission (SEC) nang bumili daw si Ongpin ng karagdagang shares habang tinatago nito ang impormasyon hinggil sa bidding na pinasok ng Hong Kong-based First Pacific group ni business tycoon Manuel Pangilinan para naman sa pagkontrol ng share o stake sa nasabing mining company na Philex.


Lumalabas daw kasi na pinaboran ni Ongpin ang First Pacific Group na sister corporation ng Philex Mining kung saan ito konektado.

Lumalabas sa desisyon ng Court of Appeals na walang legal na basehan ang P174-million na multang ipinataw ng SEC kay Ongpin dahil ito ay masyadong malaki sa itinatadhana ng batas.
Ayon sa Appellate Court, ang multa dapat ay sampung libong piso hanggang isang milyong piso lamang.

Facebook Comments