LUSOT | Demi Moore, inabswelto sa kaso hinggil sa pagkalunod ng isang lalaki sa kanyang swimming pool

Showbiz – Abswelto na ang Hollywood Actress na si Demi Moore sa kasong isinampa laban sa kanya ng pamilya ng lalaking namatay sa kanyang swimming pool.
Nabatid na nagkaroon ng Settlement ang magkabilang panig kaya ibinasura na ng korte ang kaso.
Sinasabing nagulat si Demi nang siya ay idemanda dahil saktong nasa out of town ito nang mangyari ang insidente ngunit siya pa rin ang sinisisi ng pamilya ng biktimang si Edenilson Steven Valle dahil wala raw safety signage sa swimming pool sa mismong bahay nito sa Los Angeles.
Ikinatuwa naman ni Demi ang desisyon maging ang Mister nitong Hollywood Actor na si Ashton Kutcher.

Facebook Comments