LUSOT NA | 3 batas kaugnay sa renewal ng prangkisa ng 3 broadcasting networks, aprubado na

Manila, Philippines – Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang renewal ng franchise ng tatlong broadcasting networks para makapag-operate sa susunod pang 25 taon.

Ito ay matapos pirmahan ng Pangulo ang Republic Act no. 11109 o ang pag-renew ng prangkisa ng Manila Broadcasting Company (MBC), ang tahanan ng ilang radio stations gaya ng DZRH.

Nilagdaan din ng Pangulo ang Republic Act 11110 at 11111 para sa franchise renewal ng Bright Star Broadcasting Network Corporation at Vanguard Radio Network Company Inc.


Sa ilalim ng mga pinirmahang batas, ang mga nabanggit na broadcast network ay may nakaatang na responsibilidad sa publiko.

Kabilang na rito ang pagbibigay ng libreng public service time para maihatid ng gobyerno ang ilang public announcements at warnings sa oras ng sakuna o kalamidad.

Kaakibat din ng batas ang hindi pagpapakalat ng maling impormasyon.

Nakasaad din sa batas na sa oras ng digmaan, rebelyon, kalamidad o sakuna, may ‘special right’ ang Pangulo na pansamantalang i-take over at i-operate ang mga broadcast stations sa interes na rin ng kaligtasan at seguridad ng publiko.

Matatandaang pinirmahan ng Pangulo ang tatlong batas nitong October 30.

Facebook Comments