LUSOT NA | 6 na panukalang pag-convert sa ilang extension offices ng LTO, aprubado sa ikatlo’t huling pagbasa ng Senado

Manila, Philippines – Lusot na sa ikatlo’t huling pagbasa ng senado ang anim na panukalang gawing regular licensing centers ang ilang extension offices ng Land Transportation Office (LTO).

Ayon kay Senadora Grace Poe, chairperson ng senate committee on public services, ang pagkakaroon ng maraming regular lto district offices ay mapabibilis ang mga transaksyon at paiikliin ang mga pila.

Ang mga sponsored house bill nos. 4166, 3986, 3188, 3169, 1875 at 927 ay conversion ng LTO extension offices sa: San Pablo, Laguna; Balayan, Batangas; Malabon; Batangas City; Muntinlupa; at Kawit, Cavite.


Sa kabila nito, kahit maging ganap na batas ang mga ito sinabi ni Poe na hindi pa rin ito ang magiging solusyon sa nangyayaring bureaucracy sa LTO.

Facebook Comments