Manila, Philippines – Aprubado na sa ikalawang pagbasa ng kamara ang house bill 7376 o panukalang buwagin ang Office of the Government Corporate Counsel (OGCC) at ang Presidential Commission on Good Government (PCGG).
Sa ilalim ng panukala, ipapasa ang tungkulin at kapangyarihan ng mga bubuwaging ahensya sa Office of the Solicitor General (OSG).
Partikular ang tungkulin ng PCGG na paigtingin ang mga hakbang na mabawi ang mga tagong yaman at ang responsibilidad ng OGCC na magbigay ng tulong legal sa mga state-owned and controlled corporations.
Posibleng maaprubahan sa ikatlo’t huling pabasa sa pagbabalik sesyon ng kongreso sa Mayo.
Facebook Comments