Manila, Philippines – Pasado na sa ikalawang pagbasa ng Kamara ang ikatlong bahagi ng tax reform ng Duterte administration.
Sa ilalim ng ikatlong tax reform o fiscal regime sa sektor ng pagmimina, pinananatili ang pagpapataw ng corporate income tax sa mining sector.
Layunin nito na gawing patas ang playing field sa lahat ng sektor ng pagnenegosyo lalo na sa mining.
Itinatakda ng panukala na manatili ang tax regime sa excise tax, royalty sa mga katutubo, local business tax at real property tax.
Salig pa dito ay paiiralin ang margin-based na pagpapataw ng royalty sa mining operations sa loob man o labas ng mineral reservations at malaki o maliit man na operasyon ng pagmimina.
Mahigpit na ipagbabawal din dito ang open-pit mining.
Facebook Comments