Manila, Philippines – Lusot na sa house committee on tourism ang panukalang bubuo ng Tourism Resiliency Certification Program o TRCP.
Ayon kay Committee Chairman Representative Leyte Representative Lucy Torres-Gomes, layunin ng house bill 6093 na alamin ang mga banta sa local tourism industry at gumawa ng mga ‘compliance measures’ para sa registered tourism enterprises at tourism enterprise zones.
Aniya, kailangan nang gumawa ng mga hakbang para maprotektahan ang ‘tourism industry’.
Nakapaloob rin sa panukala ang pagbuo ng ‘fail-safe regulatory and administration system’ na magbibigay ng proteksyon sa ‘tourism industry’ laban sa mga banta tulad ng karahasan, terorismo, environmental degradation at climate change.
Sa ilalim nito ang bubuuing Philippine tourism risk assessment framework ang aalam sa mga aktwal at mga posibleng banta sa industriya.
Ang bubuuing TRCP ay pangungunahan ng Department of Tourism (DOT) at ng technical working group mula sa iba’t-ibang stakeholders.