LUSOT NA | Panukala para sa pagpaparehistro ng sim cards, pasado na sa ikatlo at huling pagbasa

Manila, Philippines – Aprubado na rin sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 7233 o Sim Card Registration Act.

Sa botong 167 yes at 6 no ay nakapasa ito sa plenaryo.

Sa ilalim ng panukala, inoobliga ang lahat ng mga post-paid at prepaid subscribers na ipa-rehistro ang kanilang mga sim cards.


Layunin ng panukala na matigil na ang paggamit sa mga simcards sa krimen at ano pang iligal na gawain.

Bukod dito, gagawin ding mandatory ang sim card registration para sa mga dayuhan.

Sa oras na maging ganap na batas, magbabayad ng multang P300,000 sa unang paglabag, P500,000 sa ikalawang paglabag at P1 million na multa sa ikatlo at mga susunod pang paglabag ng isang Public Telco Entity.

Facebook Comments