LUSOT NA | Panukalang 2019 National budget, pinagtibay sa final reading ng Kamara

Manila, Philippines – Aprubado na sa Kamara sa pinal na pagbasa ang panukalang ₱3.757 trillion 2019 National budget.

Ang panukalang budget ay hybrid kung saan magkahalo o may mga ipapatupad sa pamamamagitan ng cash-based budgeting at obligation-based budgeting system.

Pinakamalaking pondo ay sa sektor ng edukasyon na may budget na halos 660 billion pesos, pangalawa ang DPWH na higit 500 billion pesos, pangatlo ang DILG na nasa 225 billion pesos, ikaapat ang defense na halos 190 billion pesos at panglima ang DSWD na may higit 170 billion pesos na pondo.


Kasama din sa top 10 na may pinakamalaking budget ang DOH, DOTr, agriculture department, judiciary at ang ARMM.

Nabatid na natagalan ang pagpapatibay sa 2019 budget bunsod ng re-alignment sa natuklasang P50 billion na naisingit na pondo.

Ang panukala ay ita-transmit na sa Senado.

Facebook Comments