LUSOT NA | Panukalang anti-political dynasty, pasado na sa committee level ng Senado

Manila, Philippines – Lumusot na ang senate bill number 1765 o ang panukalang anti-political dynasty sa committee on electoral reforms and peoples participation.

Labintatlong senador ang lumagda sa committee report ukol dito na inaasahang sasalang sa plenaryo ni Committee Vice Chairman Senator Francis Pangilinan sa pagbabalik ng sesyon sa May 14.

Kabilang sa mga lumagda sa panukala ay sina Senators Drilon, Hontiveros, Legarda, Lacson, Poe, Ejercito, Aquino, Binay, Angara, Recto, Gatchalian, De Lima.


Ipagbabawal ng panukala ang pagtakbo sa anumang posisyon sa gobyerno ng sinumang kamag anak ng isang incumbent official.

Kasama sa mga hindi na maaring tumakbo ang asawa, kapatid, anak, magulang at hanggang second-degree relatives.

Facebook Comments