Manila, Philippines – Lusot na sa bicameral conference committee ang panukalang coconut farmers trust fund.
Kabilang ito sa mga binanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA).
Ayon kay Senadora Cynthia Villar, pinag-isa ng mga mambabatas ang mga naging panukala ng mga senador at kongresista upang maipamahagi na ang pondo para sa 3.5 million na coconut farmers sa Pilipinas.
Ang pondo na nagkakahalaga ng ₱105 billion ay maaring gamitin ng mga coconut farmers sa pamamagitan ng paggastos ng limang bilyon kada taon at inaasahang tatagal ng 20 hanggang 25 taon dahil sa paglaki nito bunsod ng interes.
Magbibigay din ng dagdag ayuda ang gobyerno para sa mga coconut farmers upang mas mapabuti ang presyuhan ng mga coconut products at derivatives nito para mas mapalakas pa ang industriya ng pagniniyog sa bansa.