LUSOT NA | Panukalang ihalintulad ang rank classification ng PNP sa AFP, inaprubahan na sa ikatlo’t huling pagbasa

Manila, Philippines – Inaprubahan na sa ikatlo’t huling pagbasa ng kamara ang panukalang batas na itulad sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ang rank classification ng mga miyembro ng Philippine National Police (PNP).

166 na mambabas ang pumabor habang anim na tumutol sa pagpasa sa house bill 5236.

Ayon kay Antipolo Representative Romeo Acop, layunin nito na maging malinaw ang posisyon at responsibilidad ng mga pulis.


Ang paggamit ng rank classification ng militar sa mga pulis ay makakatulong na magiging epektibo at maayos ang pamamahala ng PNP.

Reresolbahin din nito ang pagkalito ng publiko sa kasalukuyang ranggo ng mga PNP officers.

Kapag naging ganap na batas, mapapalitan ang mga sumusunod na ranggo:

Senior Superintendent – Police Colonel
Superintendent – Lieutenant Colonel
Chief Inspector – Police Major
Senior Inspector – Police Captain
Inspector – Police Lieutenant
SPO4 – Police Master Sergeant
SPO3 – Police Technical Sergeant
SPO2 – Police Staff Sergeant
SPO1 – Police Sergeant
P03 – Corporal
PO2 – Patrolman First Class
PO1 – Patrolman

Facebook Comments