LUSOT NA | Panukalang ilipat sa pamamahala ng PNP ang training ng lahat ng police recruits, pasado sa ikatlo’t huling pagbasa

Manila, Philippines – Aprubado na sa pinal na pagbasa ng Senado ang panukalang ilipat ang training ng lahat ng police personnel sa ilalim ng administrative, operational supervision at control ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay Senator Panfilo Lacson, chairperson ng committee on public order and dangerous drugs at sponsor ng Senate Bill 1898 – malaki ang maitutulong ng panukala sa internal cleansing ng PNP.

Mas magagawa ng PNP ang tungkulin nito na pagserbisyuhan at protektahan ang mamamayan lalo at kung mayroon itong authority at accountability sa pagsasanay at pagtuturo sa mga tauhan nito.


Ang responsibilidad ng pagsasanay sa mga police recruit na isinasagawa ng Philippine Public Safety College (PPSC), kabilang na ang PNP Academy (PNPA) at National Police Training Institute (NPTI), ay i-a-assign na sa PNP.

Facebook Comments