LUSOT NA | Panukalang itaas ang retirement benefits ng mga empleyado ng Office of the Ombudsman, aprubado sa senate 3rd and final reading

Manila, Philippines – Aprubado na sa ikatlo’t huling pagbasa ng Senado ang panukalang batas na taasan ang retirement benefits ng mga opisyal at empleyado ng Office of the Ombudsman.

Sa ilalim ng senate bill no. 172, ang retirement benefits ng mga empleyado ng Office of the Ombudsman ay ipapantay sa natatanggap ng Hudikatura, Court of Appeals, National Prosecution Service at ng Public Attorney’s Office.

Ayon kay Senador Richard Gordon, sponsor ng panukala, nararapat lamang na mabigyan ng competitive retirement scheme ang tanggapan dahil sa ginagampanan nitong tungkulin na supilin ang korapsyon.


Ang mababang retirement benefits sa Office of the Ombudsman ay nagresulta sa nakaka-alarmang exodus ng investigators at prosecutors sa nakalipas na 10 taon.

Facebook Comments