LUSOT NA | Panukalang nagbabawal ng pisikal na pagdidisiplina sa mga bata, pasado na

Manila, Philippines – Lusot na sa ikatlo’t huling pagbasa ng Senado ang panukala para sa mas ligtas na pagbiyahe sa mga bata.

Sa ilalim ng Senate Bill 1971, hindi pwedeng maupo sa unahan ng sasakyan ang mga batang may edad 12 pababa maliban na lamang kung mayroon silang taas na 5’6 inches o 4.7 talampakan.

Mayroon din dapat child restraint system sa sasakyan para maiwasan ang seryosong pagkasugat o kamatayan ng bata sakaling magkaroon ng sakuna.


Bawal ding iwan ang bata sa loob ng sasakyan.

May parusang 1,000 pesos sa driver na lalabag sa unang paglabag.

₱2,000 naman sa ikalawang paglabag habang ₱5,000 na ang multa at suspensyon ng lisensya hanggang isang taon sa ikatlong paglabag.

Facebook Comments