LUSOT NA | Panukalang national ID system, niratipikahan na ng Kamara

Manila, Philippines – Niratipikahan na sa Kamara ang Philippine Identification System (PHILSYS) Act o ang national ID system.

Sa ilalim ng panukala, magiging isa na lamang ang ID ng lahat ng mga Pilipino sa buong bansa.

Nakapaloob dito ang buong pangalan, kasarian, blood type, petsa ng kapanganakan, lugar ng kapanganakan, status, address at litrato.


Maitatala naman sa PHILSYS registry ang mga personal na impormasyong ito para sa database ng gobyerno gayundin ang mobile number, email address, biometric data tulad ng full set ng fingerprints at iris scan.

Ang bawat mamamayan kasama pati ang mga dayuhang dito na naninirahan ay kailangang magparehistro ng personal sa accredited registration centers.

Inaasahang agad na ipapadala ito sa Malacañang para malagdaan na ni Pangulong Duterte para maging ganap ng batas.

Facebook Comments