LUSOT NA | Panukalang National ID System, pasado na sa Senado

Manila, Philippines – Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ang senate 1738
o panukalang National Identification System.

17 mga Senador ang bomoto pabor sa panukala habang dalawa ang komontra na
kinabibilangan nina Senators Kiko Pangilinan at Risa Hontiveros.

Ayon kay Senator Panfilo Ping Lacson, Chairman ng Committee on Public Order
at siya ring nag endorso at pangunahing may akda ng panukala, mapapadali
nito ang pakikipagtransaksyon sa gobyerno.


Ito ay dahil mapagiisa lang ng national ID ang halos 33 mga ID na iniisyu
ng iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan.

Base sa panukala, magkakaroon ng panghabambuhay na national ID ng bawat
pilipino at mga dayuhang papasok sa bansa.

Diin ni Lacson, hindi ito magiging banta sa privacy at human rights dahil
may nakalatag na safeguards.

Paliwanag ni Lacson, magiging laman ng national ID ang pangalan, kasarian,
araw ng kapanganakan, tirahan at mayroon itong biometrics information
katulad ng facial image, fingerprints.

Tiwala si Lacson na makakatulong din ang national ID system sa paglaban sa
kriminalidad at terorismo.

<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments