LUSOT NA | Panukalang national ID system, tiyak ng maisasabatas

Manila, Philippines – Nakalusot na sa bicameral conference committee ang panukalang national ID system o Philippine Identification System.

Bunsod nito ay nakakatiyak si Senator Panfilo “Ping” Lacson na magiging batas na ang panukala dahil siguradong mararatipikahan ito ng dalawang kapulungan anumang araw o bago ang sine die adjournment sa susunod na linggo at garantisadong lalagdaan ito ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nakapaloob sa panukala ang pagbibigay sa lahat ng mga pilipino at mga dayuhan ng national ID na magtataglay ng unique na Philippine identification system number, pangalan, birthday, address at fingerprint information.


Ayon kay Lacson, mapapadali ng national ID ang pakikipagtransaksyon sa gobyerno at pribadong sektor dahil pag-iisahin nito ang halos 33 mga ID na iniisyu ng pamahalaan.

Makakatulong din aniya ang national ID sa pagresolba sa terorismo at iba pang krimen dahil mas mapapadali nito ang pagkilala at pagtugis sa mga kriminal.

Binigyang diin naman ni Lacson na may nakalatag na safeguards para protektahan ang privacy at karapatang pantao.

Facebook Comments