LUSOT NA | Panukalang pag-amyenda sa Corporation Code, aprubado sa pinal na pagbasa

Manila, Philippines – Sa botong 20-0, lusot sa ikatlo’t huling pagbasa ng Senado ang panukalang batas na mag-aamyenda sa Corporation Code.

Sa ilalim ng Senate Bill No. 1280 o Act Amending batas pambansa bilang 68 o The Corporation Code of the Philippines, pagtitibayin pa nito ang business climate sa Pilipinas na layuning makahikayat pa ng large at small businesses.

Ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, may-akda at sponsor ng panukala – magiging instrumento ang panukala para ma-improve ang government process sa pagnenegosyo.


Ang Corporation Code ay isinabatas noong 1980 para sa pagsusulong ng business at investor friendly environment sa bansa.

Facebook Comments