LUSOT NA | Panukalang patawan ng parusa ang mga nambabato ng sasakyan, aprubado na sa kamara

Manila, Philippines – Lusot na sa final reading sa kamara ang panukalang batas na nagpapataw ng mas mabigat na parusa sa mga mahuhuling nambabato ng matigas na bagay sa mga umaandar na sasakyan.

Sa house bill 7163, na iniakda ni Majority Leader Rodolfo Fariñas, nakasaad ang mga magiging parusa sa mahuhuling nambato ng matigas na bagay tulad ng bato, bakal, kahoy at iba pa, depensa sa pinsalang matatamo ng sasakyan at sakay nito.

Kung may masasawi dahil sa ginawang pambabato, makukulong ng hanggang 25 taon at multang P100,000 ang mahuhuling nambato.


Maliban pa rito ang pananagutan niyang sibil.

Limang taon na pagkakakulong naman at multang P15,000, bukod sa civil liabilities sa medical expenses at rehabilitation, ang parusa sa nambato kung may nasaktan sa insidente.

Samantala, kung napinsala lang ang sasakyan, dapat itong ipagawa ng nambato, bukod pa sa pagkakakulong ng isang taon at multang P10,000.

Facebook Comments