Sa botong 188-8, lusot sa ikatlo’t huling pagbasa ng Kamara ang House Bill 6425 o panukalang Traffic and Congestion Crisis Act.
Layunin nitong maresolba ang matinding trapikong nararanasan sa Metro Manila at iba pang urban areas gaya ng Cebu at Davao City.
Sa ilalim ng panukala, itatalagang traffic chief si Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade.
Aatasan si Tugade na pasimplehin ang traffic at transportation management sa bansa at i-regulate ang paggamit ng kalsada sa Metropolitan areas.
Subalit ayon kay Catanduanes Representative Cesar Sarmiento, Chairperson ng House Committee on Transportation – posibleng hindi na ito makapasa sa 17th Congress dahil sa kakulangan ng oras.
Aniya ang Senado ay okupado ngayon ng deliberasyon sa 2019 proposed National budget at magsisimula na ang kampanya para sa 2019 Midterm elections.
Noong 2016, nakiusap ang Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso na bigyan siya ng emergency powers para masolusyonan ang trapiko sa bansa.