LUSOT NA | Pondo para sa DDR aprubado na sa Kamara

Manila, Philippines – Inaprubahan ng House Committee on Appropriations ang pondo sa ilalim ng Department of Disaster Resilience (DDR).

Sa pagdinig ng komite para sa paglikha ng DDR para sa pagtugon sa mga sakuna sa bansa ay napagkasunduan na ibigay ang existing funds para sa disaster management sa bagong bubuuhing ahensya.

Nakalatag na kasi ang pondo sa ilalim ng 2019 P3.757 trillion budget.


Mayroong P20.2 Billion interim funds sa 2019 at P6.5 Billion quick response fund na napagkasunduang ilagay sa pondo ng bubuuhing DDR.

Ang DDR ang tatayong ahensya na pangunahing responsable sa disaster preparedness, prevention, mitigation, response, recovery at rehabilitation.

Bubuwagin naman ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kung saan papalitan ito ng Department of Disaster Resilience Council.

Ililipat din ang tungkulin ng Office of Civil Defense (OCD) at Climate Change Commission sa itatatag na kagawaran.

Ipasasailalim din sa DDR ang Bureau of Fire Protection (BFP), Health Emergency Management Bureau habang magiging attached agency naman ng DDR ang PAGASA at PHILVOLCS.

Facebook Comments