LUSOT NA | Proposed budget ng Office of the President, aprubado na

Manila, Philippines – Inaprubahan na ng senate committee on finance ang P6.773 billion na panukalang budget ng Office of the President.

Mahigit isang oras rin dininig ng komite ang panukalang budget ng Pangulo.

Pero hindi na ito hinimay ng chairman ng komite na si Senadora Loren Legarda.


Ayon kay Legarda, mayroong P2.5 billion intelligence fund ang tanggapan ng Pangulo.

Sabi pa ni Legarda ang 12 percent na increase sa budget ng Pangulo ay dahil sa salary standardization law na nag-uutos ng umento sa mga opisyal at kawani ng gobyerno.

Facebook Comments