LUSOT NA | Retirement age sa mga gov’t employees, ibaba na sa 56

Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 8683 na layong ibaba sa 56 taong gulang ang retirement age ng mga empleyado ng gobyerno.

Sa botong 206 Yes at 0 No, naaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala na ibaba ang ‘optional retirement age’ sa 56 taong gulang mula sa kasalukuyang 60 taong gulang.

Ito ay para mabigyan ng pagkakataon ang mga empleyado ng gobyerno na makapag-retire ng maaga gayundin ang ma-enjoy ang buhay ay bunga ng mga pinaghirapan sa trabaho.


Inaamyendahan ng panukala ang Government Service Insurance Act of 1997.

Mahigpit namang nakasaad sa panukala na kailangang nakapagsilbi ng 15 taon sa serbisyo sa gobyerno ang isang empleyado, nasa 56 na taong gulang na nang magretiro at hindi nakakatanggap ng benepisyo o pensyon mula sa permanent total disability.

Facebook Comments