Manila, Philippines – Aprunado na kagabi sa pinal at ikatlong pagbasa ng Senado ang panukalang Rice Tariffication Bill na naglalayon na amiyendahan ang Agricultural Tariffication Act of 1996 at ang pagtatanggal ng restriction sa pag-i-import ng bigas aa bansa.
Sa botong 14-0-0 naipasa ng Senado ang nakikitang solusyon ng pamahalaan para mapunan ang kakulangan ng supply ng bigas sa bansa na naging sanhi ng pagtaas ng presyo nito sa merkado dulot na rin sa pang-aabuso ng ilang rice traders at retailers.
Ito rin ang nakikitang solusyon ng economic managers ng Duterte Administration para maibsan ang nararanasang pagtaas ng inflation rate sa bansa.
Ayon kay Agriculture Committee Chairman Senadora Cynthia Villar at Principal Author ng naturang panukala naglalayon din ito na magkaroon ng rice competitive enhancement fund na mayroon P10 bilyon pondo kada taon bilang safeguard para mabigyan ng proteksyon ang rice Industry sa extreme price fluctuations.
Ang makokoletang pondo sa Rice Tariffication Bill ay gagamitin din para sa pagtulong sa mga lokal na magsasaka upang maging rice sufficient na ang bansa para sa darating na panahon hindi na kailangan pa na mag-angkat ng bigas ang gobyerno.