Lusot na sa bicameral conference committee ang P5.024 trillion 2022 national budget

Ngayong umaga ay nagkatipon-tipon muli sa Edsa Shangri-La hotel ang mga miyembro ng bicam para pagkaisahin ang mga magkakaibang probisyon sa dalawang bersyon ng pambansang pondo.

Mabilis lamang na naaaprubahan ang pambansang pondo ngayong umaga na dinaluhan at pinangunahan ni Senate Finance Committee Chairman Sonny Angara at House Committee on Appropriations Chairman Eric Yap.

Dahil lusot na sa bicam, inaasahang mamayang hapon bago matapos ang huling sesyon ay mararatipikahan na ang pambansang pondo.


Matapos ratipikahan ay iaakyat na ito sa tanggapan ng Presidente at inaasahang malalagdaan ni Pangulong Duterte bago mag Pasko.

Mayorya ng pambansang pondo ay tumutugon pa rin sa pangangailangan at pagtugon ngayong pandemya.

Facebook Comments