LUSOT NA | Senate bill 1459 o personal property security act, aprubado sa 3rd and final reading

Manila, Philippines – Aprubado na sa ikatlo’t huling pagbasa ng Senado ang panukalang batas na magbibigay sa mga Pilipino ng malawak na access sa paglo-loan.

Ayon kay Senador Bam Aquino, principal author ng senate bill 1459 o personal property security act, magiging madali at ligtas para sa mga bangko ang magpautang sa mga maliliit na negosyo.

Kapag naging batas ito, ang mga Micro, Small and Medium Enterprises (MSMES) ay papayagang gumamit ng personal properties at assets bilang kolateral sa paglo-loan mula sa mga bangko at iba pang financial institutions.


Ang pagpasa sa panukala ay pagsuporta sa mga maliliit na negosyo at sa pamilyang Pilipino.

Magbibigay din ito ng win-win situation sa pagitan ng MSMES at mga bangko.

Papaluluwagin din ng panukala ang paggamit ng ‘movable assets’ tulad ng bank accounts, accounts receivable, inventory, equipment, sasakyan, agricultural products at maging ang intellectual property rights.

Facebook Comments