LUSOT | Pagpapalawig sa availability ng 2018 national budget sa susunod na taon, aprubado na sa ikalawang pagbasa sa Kamara

Manila, Philippines – Inaprubahan sa ikalawang pagbasa ng Kamara ang resolusyong nagpapalawig sa availability ng 2018 national budget sa susunod na taon.

Sa house joint resolution 32, aamiyendahan ang section 61 ng general provisions ng 2018 budget upang magamit pa hanggang sa 2019 ang sobrang pondo sa Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) at capital outlays.

Nabatid kasi na may mga pondong hindi nailabas at hindi obligated na maaari sanang magamit para sa epekto ng mga nagdaang kalamidad gaya ng bagyong rosita at ompong.


Saklaw ng pondong natira ang maintenance, pagsasaayos at rehabilitasyon ng mga paaralan, ospital, kalsada, at iba pang pasilidad ng gobyerno pati na sa relief operations.

Hindi na din bago ang pagpapalawig sa availability ng national budget dahil ginawa na ito at inaprubahan noong 2002 at 2013.

Facebook Comments