Manila, Philippines – Lusot na sa ikalawang pagbasa ng Kamara ang panukalang pagpapalawig ng maternity leave.
Sa ilalim ng house bill 4113, mula sa kasalukuyang animnapung (60) araw, gagawing 100 araw ang maternity leave ng mga nanganak na nanay.
Bibigyan din ng 60-araw na maternity leave ang mga nakunan o nakaranas ng miscarriage.
Ayon sa Gabriela party list na siyang may akda ng expanded maternity leave bill sa kamara – mahalaga ang mas mahabang pahinga ng mga bagong panganak na ina.
Layon nito na makabawi sila ng lakas ng katawan at magkaroon ng sapat na panahon para makapag-breastfeed sa kanilang sanggol.
Sakop ng panukala ang mga manggagawang babae sa private at public sector.
Facebook Comments