LUSOT | Panukalang batas na magpapatibay sa BSP, aprubado sa ikatlo’t huling pagbasa sa Kamara

Manila, Philippines – Sa botong 219-0, lusot sa ikatlo’t huling pagbasa ng Kamara ang panukalang batas na magpapatibay sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Layunin ng House Bill 7742 na amyendahan ang Republic Act 7653, “The New Central Bank Act,” na layong palakasin ang monetary at financial stability functions ng BSP.

Sa ilalim ng panukalang batas, tataasan ang capital ng BSP mula sa ₱50 billion hanggang ₱200 billion, na isasalang sa review kada limang taon.


Ang Department of Finance (DOF), Department of Budget and Management (DBM), at ang monetary board ang nagrekomenda sa capital increase.

Mandato ng BSP na itaguyod ang financial stability sa pamamagitan ng pangangasiwa ng payment at settlement systems sa bansa.

Makikipagtulungan din ang BSP sa Securities and Exchange Commission (SEC), The Insurance Commission, Philippine Deposit Insurance Corporation, at sa National Government.

Ang bersyon naman ng Senado ay nakatakdang ipasa sa ikalawang pagbasa.

Facebook Comments