Manila, Philippines – Lusot na sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang panukalang lakihan ang plaka ng mga motorsiklo.
Sa House Bill 8419, inaatasan ang Land Transportation Office (LTO) na magpasya sa tamang laki ng motorcycle plate na dapat tiyakin na kita ang alphanumeric characters mula sa distansyang 12 metro.
Layon ng nasabing hakbang na maiwasan na magamit ang motorsiklo sa criminal activities.
Maliban rito, inoobliga na rin ang mga may-ari ng motorsiklo na i-report sa LTO sakaling ibenta ang kanilang unit at ang agad na pagpaparehistro sa bagong may-ari.
Gayundin ang pagre-report sa LTO kapag nasira o nanakaw ang kanilang plaka.
Sakaling maging batas ang sinumang lalabag ay papatawan ng parusang P5,000 hanggang P20,000.
Kulong naman ang ipapataw na parusa at multa na P100,000 sa sinuman na gagamit ng peke o nakaw na motorcycle plates.