LUSOT | ₱1.41-B budget ng OPS, aprubado sa Senate finance sub-committee

Manila, Philippines – Lusot na sa Senate finance sub-committee ang 1.41 bilyong piso budget ng Office of the Press Secretary o OPS.

Pero ayon kay Senate finance sub-committee chairman JV Ejercito, matatawag na tentative ang budget approval habang hinihintay na tuluyang ng magbago ang istraktura ng OPS mula sa dating Presidential Communication Operation Office o PCOO.

Aniya, lagda na lang ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang executive order ang kulang para maibalik ang OPS.


Layon naman ng OPS na magtalaga ng mga press attaché sa ilang piling lugar sa Europe, Asia Pacific at sa Amerika.

Magiging trabaho ng press attaché na tulungan ang gobyerno na mapaganda pa ang imahe nito sa international community at buhayin ang tiwala ng mga mamumuhunan.

Facebook Comments