LUWAGAN | Pagpapautang ng mga bangko sa education sector, hiniling ng isang mambabatas

Manila, Philippines – Hiniling ni Kabayan Representative Frederick Siao sa Bangkok Sentral ng Pilipinas (BSP) at sa Development Bank of the Philippines na luwagan ang pagpapautang sa education sector.

Ito ay dahil lumalabas na mas mababa pa sa isang porsyento ang naipapautang ng mga bangko sa education sector mula 2017 hanggang sa mga naunang dalawang buwan ng 2018.

Ayon kay Siao, hindi hamak na mas mataas pa ang car loan sa mga bangko na aabot sa P266 Billion habang ang loan para sa edukasyon ay nasa P33.75 billion lamang.


Itinuturo ni Siao na isa sa dahilan kung bakit napagiiwanan ang edukasyon sa bansa ay dahil sa limitadong suportang pinansyal na ibinibigay sa education sector.

Pinahahanap ng kongresista ng paraan ang gobyerno para gawing accessible at affordable sa mga paaralan ang mga loans at grants.

Inaatasan din ang lahat ng mga bangko sa bansa na gawing prayoridad ang education loan sa lahat ng elementary schools, high schools, colleges, at graduate schools sa bansa.

Facebook Comments