Luxury cars na konektado sa DPWH officials, binabantayan na rin ng BOC; sasakyan ng mga Discaya na nasa kustodiya umakyat pa sa 30

Kinumpirma ng Bureau of Customs (BOC) na binabantayan na rin ang mga luxury car na iniuugnay sa mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ito’y matapos lumutang sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa mga anomalya sa flood control project na may ilang opisyal ng DPWH na nagmamay-ari ng mga mamahaling sasakyan.

Ayon kay Customs Commissioner Ariel Nepomuceno, susuriin ang pagmamay-ari ng mga ito at kung nagbayad ng tamang buwis.

Samantala, umabot na sa 30 sasakyan na konektado sa pamilya Discaya nasa kustodiya na ng Customs.

Sa ngayon ay inaalam na ang tax liabilities habang nagbabala rin si Nepomuceno na mananagot ang sinumang mapapatunayang lumabag sa anti-smuggling laws ng bansa.

Facebook Comments