Luzon area, pinaghahanda na rin ng NDRRMC sa Bagyong Bising

Pinaghahanda na rin ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang mga residente sa Luzon habang papalapit ang Bagyong Bising.

Sa interview ng RMN Manila kay NDRRMC Spokesperson Mark Timbal, sinabi nito na kahit hindi direktang tatama sa kalupaan ang Bagyong Bising sa pag-akyat sa Luzon area, mas maigi pa ring maghanda at maging alerto ang mga Local Government Unit (LGU).

Partikular na aniya rito ang Cordillera Administrative Region, Central Luzon at Cagayan Valley Region.


Batay sa monitoring ng NDRRMC, wala pa silang naitatalang nasawi o nasaktan dahil sa bagyo habang bineberipika pa ang napaulat na nawawala sa Northern Samar.

Sa ngayon ay nasa 18,467 pamilya na ang nasa evacuation center sa Bicol Region at Region 8.

Kaugnay nito, inihayag sa interview ng RMN Manila ni Philippine Coast Guard (PCG) Spokersperson Commodore Armand Balilo na umabot na sa 2,750 ang na-stranded na indibidwal sa Bicol Region, Central at Eastern Visayas at Northern Mindanao.

Facebook Comments