Luzon grid, ilalagay sa red alert dahil sa manipis na supply ng kuryente

Dahil sa malakas na demand bunsod ng mainit na panahon, numipis ang suplay ng kuryente sa Luzon grid ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Ayon sa NGCP, ilalagay sa red alert ang Luzon grid mula alas-2:00 hanggang alas-4:00 ng kwatro hapon.

Ilalagay naman sa yellow alert ang Luzon grid mula alas-11:00 ng umaga hanggang alas-2:00 ng hapon, at alas-4:00 hanggang alas-5:00 ng hapon.


Ang available capacity ay nasa 11,729 megawatts habang ang peak demand naman ay 11,514 megawatts.

Facebook Comments