Ilang lugar sa Luzon ang makakaranas ng brown out dahil sa manipis na suplay ng kuryente sa Luzon.
Sa abuso ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), inilagay nila sa yellow at red alert ang luzon grid simula ngayong alas diyes ng umaga hanggang alas onse. At mamayang ala una ng hapon na magtatagal hanggang alas tres ng hapon.
Paliwanag ng NGCP, ito ay dahil sa kakapusan ng operating reserve.
Base sa power situation outlook ng NGCP, aabot sa 11,402 MW ang available capacity ng Luzon grid habang aabot naman ang peak demand sa 11,114MW.
Facebook Comments