Luzon grid, isasailalim sa Red at Yellow Alert ngayong hapon dahil sa force outage ng 19 na power plants

Magpapatupad ngayong hapon ng Yellow at Red Alert Status ang Luzon grid dahil sa kakapusan pa rin ng suplay ng kuryente.

Base sa abisong inilabas ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), mula alas 3:00 ng hapon hanggang alas-4:00 ng hapon ay isasailalim sa Red Alert status ang Luzon grid.

Paliwanag ng NGCP na mauulit umano ito mamayang alas-8:00 ng gabi hanggang alas-10:00 ng gabi


Sa report ng NGCP, mayruong 12,892 mega watts na peak demand ng suplay na halos pumantay na sa 13,397 mega watts lamang na available capacity.

Sa ngayon anila, 19 pa rin na power plants ang nagkaroon ng force outage, isa ang gumagana pero sa ilalim ng derated o gumagana pero mayroong kakulangan sa kapasidad.

Dagdag pa ng NGCP na mula ala-1:00 ng hapon hanggang alas-11:00 ng gabi ay pahinto-hinto o intermittent din ang suplay ng kuryente dahilan upang magsasailalim ng Yellow Alert ang Luzon grid.

Sa ngayon ay nag-abiso na rin ng kahalintulad na sitwasyon ang Visayas grid dahil sa pagpalya naman ng 12 nitong power plants.

Ang Yellow Alert status sa power grid ay nagpapahiwatig ng manipis na reserba ng kuryente habang ang Red Alert naman ay nangangahulugan ng kakulangan sa suplay ng kuryente.

Facebook Comments