Luzon Grid, isasailalim sa Yellow Alert ngayong araw

Nag-abiso ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa pagtataas ng Yellow Alert sa Luzon Grid simula mamayang ala-1:00 ng hapon.

Bunsod ito ng pagnipis ng suplay ng kuryente dahil sa hindi inaasahang pagkawala ng suplay mula sa pitong planta ng kuryente.

Dahil dito, umaabot sa 1,592 megawatts ang nawala mula sa inaasahang suplay ng kuryente ngayong araw.


Sa abiso ng NGCP, umaabot sa 11,385 megawatts ang kailangang suplay subalit nasa 12,251 megawatts lamang ang available.

Tatagal ang Yellow Alert hanggang mamayang alas-4:00 ng hapon

Wala namang inaasahang pagkaputol ng suplay ng kuryente sa ilalim ng Yellow Alert na tumutukoy sa sitwasyon na mababa kumpara sa inaasahan ang suplay ng kuryente sa partikular na lugar.

Facebook Comments