Isinailalim ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang buong Luzon Grid sa Yellow Alert status dahil sa manipis na suplay ng kuryente.
Umiral ang Yellow Alert mula alas-9:00 hanggang alas-10:00 kaninang ng umaga at mauulit mamayang alas-5:00 hanggang alas-6:00 ng gabi at mula alas-10:00 hanggang alas-12:00 ng hatinggabi.
Habang mula alas-10:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon at mula alas-6:00 hanggang alas-10:00 ng gabi, isasailalim din ang Luzon Grid sa Red Alert.
Dahil dito, ilang lugar ang posibleng makaranas ng rotational brownout.
Nabatid na nasa 11,408 megawatts ang available capacity habang 11,593 megawatts ang peak demand.
Facebook Comments